PAGSUSURI SA PELIKULANG THE HOWS OF US

The Hows of Us
Cathy Garcia Molina
(Direktor)
Petsa ng panonood: 10/31/24
Buod/Sinopsis: Ang The Hows of Us ay kwento nina Primo at George, isang magkasintahan na may mga pangarap na gustong tuparin. Habang sinusubukan nilang panatilihin ang kanilang relasyon, dumaan sila sa matinding pagsubok na naglagay sa kanilang pagmamahalan sa alanganin. Pinapakita ng pelikula ang kanilang paglalakbay, sakripisyo, at mga desisyon sa pag-ibig at pangarap.


PAGSUSURING LINGGWISTIKO
Wika at Dayalekto:
Sa aking napanood na pelikula na pinamagatang " The Hows of Us" ang pangunahing wika na ginamit dito ay Filipino, pa minsan minsan ay gumagamit din ng Ingles. Pero Filipino ang ginagamit nila George at Primo sa pang araw araw na komunikasyon.
Dahil wikang Filipino ang gamit nila mas naiintindihan ng mga manonood, kagaya ko dahil nakikita namin ang sarili sakanila mas nakaka relate. May ilang Ingles din sa kanilang usapan, lalo na kapag pinauusapan ang mga pangarap ng isa't isa na nagpapakita ng impluwensya ng kultura sa pelikula.

Mga gamit na salita:
Ito yung mga gamit na salita ni George madalaa nyang banggitin ang salitang pangarap, sakripisyo at pamilya, na nagpapakita ito ng mga pagpapahalagang Pilipino. Ang mga salitang ito ay nagpapakita kung gaano kahalaga sa mga pilipino ang mga ambisyon at pangarap pati narin sakripisyo para sa minamahal.

Istruktura ng wika: 
Sa istruktura ng wika, sa palikulang napanood ko napansin ko ang halo ng casual at Formal na Filipino sa mga dayalogo. Ang casual na Filipino naman dito ay ang ginagamit sa mga eksenang nagpapakita ng relasyon nina primo at george bilang magkasintahan, sa simpeng usapan ng dalawa, nagbibigay ng pagiging totoo sa kanilang mga karakter. Samantalang may eksena na mas pormal ang pananalita lalo na sa mga sitwasyon na pinag uusapan nila ang pangarap at mga plano sa hinaharap.

Pagpapakahulugan:
Sa pelikulang ito  ay nagpapakita ng kahulugan ng tunay na pagmamahal, isang pagmamahalan na handang magsakripisyo, umunawa, at magpatawad, kahit sa gitna ng mga pagsubok at pagkakaiba ng mga pangarap.


PAGSUSURI NG KULTURANG PENOMENAL
Mga tema:
Sa pelikulang ito, makikita ang mga temang pag-unawa sa sariling hangganan, pagtanggap sa pagkakamali ng minamahal, at ang kahalagahan ng pagtutulungan sa paglutas ng mga suliranin sa relasyon.

Representasyon ng kultura:  Ipinapakita dito ang ilang mga aspeto ng kulturang Pilipino, kabilang ang pananaw sa pag aasawa, pagtutulungan at pagpapahalaga sa pamilya. Ang relasyon ng mga tauhan ay nagbibigay ng makatotohanang paglalarawan ng tipikal na Pinoy na karanasan sa pakikipagsapalaran sa buhay, lalo na ang mga pagsubok sa tahanan at pangarap.

Pagkakakilanlan: Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng konsepto ng pagkakakilanlan sa pamamagitan ng kasarian at mga mithiin ng bawat tauhan. Si george ang pangunahing tauhan, sya ay isang independyanteng babae na may mataas na pangarap, na nagpapakita ng paglakas ng kababaihan sa modernong lipunan ng Pilipinas.

Epekto sa manonood: Ang naging epekto ng pelikula saakin ay mas nalaman ko ang kahalagahan sa isang relasyon pati na rin sa pamilya naging emosyonal din. Mas nalaman ko ang kahalagahan sa isang pangarap kailangan balanse lang hindi puro pag ibig. 

KONKLUSYON:
Ang pelikulang ito ay isang kwento ng pag-ibig na nagpapakita ng sakripisyo at pagpupursigi sa kabila ng mga pagsubok. Pinapakita nito na sa tunay na pagmamahal, mahalaga ang pang-unawa at pagtanggap para magtagumpay ang isang relasyon.

Repleksyon: Sa aking pinanood, natutunan ko kung paano magpahalaga sa pamilya, relasyon, at kung pano maging matatag sa lahat ng bagay. Oo iiyak tayo pero hindi susuko sa mga bagay para maabot ang pangarap.

Rekomendasyon: Kung panonoorin ang pelikulang ito, malalaman nyo ang mga bagay bagay tungkol sa pangarap at may makukuha din kayong aral dito hindi lang sa pakikipag relasyon kundi sa pagiging matatag ng bawat isa para sa pangarap at pamilya.

Ipinasa ni: Avrill W. Fajardo
Seksyon at Pangkat: TVL- HE 11-LILY
Ipinasa kay: Gng. Marjorie C. Dela Cruz

Popular posts from this blog

Pagpapahalaga sa Bayanihan sa makabagong panahon

Pagpapahalaga sa Bayanihan sa makabagong panahon